Monday, April 9, 2012

Si Jason at si Pablito


Ngayong araw, nakatangap ako ng text mula sa aking kaibigang si Pablito.

"Gud pm po sa lahat nang nag mamahal kay kuya Jason patay na po sya ngayon."

Noong una, akala ko hindi ko kilala ang nag padala. Dali dali akong tumawag...tama ang aking hinala...si Pablito nga.

"Ate Andrea, patay na po si Kuya Jason."

Bakit?

"Sinaksak po sya kagabi, ngayon ko lang nalaman na patay na sya."

Parang naramdaman ko rin ang bigat ng sinabi ni Pablito dahil nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Si Pablito ay isa sa mga case study namin noong binubuo namin ang dokumentaryong "Pasan-Pasan" tungkol sa mga studyante ng NOH School for Crippled Children.

Makalipas ang isang taon, ito na ang naging pag-uusap namin.



Alam ko sa oras na ngayon, gumuho na ang mundo ni Pablito.

Nawala na ang kanyang pinakamamahal na kuya.

Sino nga ba si Jason sa buhay niya?






Si Jason ang nakakatandang kapatid ni Pablito na nagsilbing kamay at paa ni nya. Si Pablito ay ipinanganak na may Osteogenesis Imperfecta o "Brittle Bone Disease." Kaya ganun na lang ang pag iingat ni Jason sa kanyang kapatid.

Parehas silang nag-aaral sa NOH School for the Crippled children. Walang kapansanan si Jason, pero pinili nyang mag-aral ng doon para masubaybayan nya at pag-silbihan ang kapatid.














Naalala ko, sa isang interview ni Ms. Sandra kay Jason, ito ang sinabi nya.



“Sabi ko naman sa kanya, habang buhay po ako, nandito ako sa tabi mo. Di ko siya pababayaan. "

Para sa akin, ito ang klaseng pagmamahal na walang kapalit.

Sandra: So kayong dalawa, walang iwanan?

“Wala.”



"Sa pagkakakilala ko kay Pablito, marupok man ang kanyang mga buto, sing tigas naman ng bakal ang kanyang determinasyon…



Masarap din isipin na ano mang pag subok, hindi nila ito haharapin ng mag-isa, hangang may mga mahal sila sa buhay na handing tumayo bilang mga kamay at paa nila…"

-Sandra Aguinaldo "Pasan-Pasan" aired July 5, 2010 on I-Witness


Pinagdarasal ko na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Jason.

At Pablito, hindi ka nag-iisa.

No comments:

Post a Comment